I never liked celebrating my birthday.
Ewan ko, nadedepress ako pag naalala kong birthday ko. Technically 12 days na lang bago ako mag-19. Yup, last year ko na as a teenager pag nagkataon. Shit, ang tanda ko na!
Pero ayoko nagcecelebrate ng birthday. Well siguro nung bata ako keber lang. Given na rin na umuulan kasi mabagyo talaga pag last week ng September. Pero nung 1st year high school akong nagsimula na umayaw sa pagcecelebrate. Pano ba naman, Milenyo kaya nun!
Isang factor na rin siguro yun, na palaging binabagyo ang birthday ko. I love the rain pero sobra-sobra naman ata! Kainis lang, diba? :( Since then di na ako natuwa.
Pinakadepressing na birthday sakin would be nung 16th at 18th birthday ko. Ondoy kasi nung 16th birthday ko tapos last year may bagyo rin sa mismong birthday ko (nakalimutan ko na yung name sorry!), at muntik pa akong mahulugan ng malaking sanga sa ulo. Seriously.
Ewan. Siguro masyado akong expectant sa surprises? Once lang akong nasurprise nung birthday ko, 17th ko with my former Victory groupmates. Anticipated ko na yun before pero.. iba pa rin yung thrill! Teka naiiyak ako. Sobrang saya ko kasi nun!!
Expectant talaga ako sa surprises. Kaya naiinggit ako sa mga kakilala ko na sinusurprise pag birthday. Kahit simpleng cake okay na! Lalo na mismo sa high school friends and barkada ko. Last year nakalimutan akong i-greet ng friend ko. Ibang klaseng lungkot yun, promise.
This year? Sobrang lexx expectant ako sa mangyayari. Baka di nga ako manlibre, tutal wala naman kaming pera. Tsaka di na practical para sakin ang manlibre ngayon noh! Tag-hirap eh!
Haaaay :( Ang lungkot ko lang talaga. Pag birthday mo lang malalaman kung gaano ka kaimportante sa mga taong mahal mo. Sa bahay pa lang parang napadaan lang ang September 27. Friends don't remember your birthday at all. That sucks, when you remember everything about them (okay, not that quite) but they don't remember anything about you. Tangina lang.
No comments:
Post a Comment